Saturday, March 20, 2010

S5 IS

Nabili ko na rin sa wakas ang matagal ko nang pangarap.. ang camera.
At di lang basta normal na camera ang binili ko..
Canon S5 IS. Lumang style, actually phased-out na nga. Pero patok pa rin!
Bakit ito? Simple.
Affordable.
Compact camera pero may power ng DSLR.

Sana sa mga susunod na araw, makapagpost na ako ng mga pictures ko dito.

Our adventure starts now..

Friday, March 12, 2010

Kabataan Towards Victory.. KTV.

Malat ako.
Kakakanta kanina sa Chicago Ktv, sa may Metrowalk. Kasama ang mga matatalik kong kaibigan.
Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam.
Tipong bumalik kami sa nakaraan.
Sa kabataan.
Walang problema. Puro lang saya at tawa.
Ang sarap ulit-ulitin sa isip.
Lalo na't alam namin,
na pagkatapos nito..

matanda ulit kami.

Tuesday, January 12, 2010

27, 01-11-10

Bente syete.
Twentyseven.
Dalawampu't pito.
Yup, 27 na ako. Ang bilis ng pangyayari. Parang kelan lang, nagmamadali pa ako maligo dahil ma-lalate na ako sa pagpasok sa highschool. Pero ngayon, magtatatlong taon na ako sa pinapasukan kong callcenter company.

Pero sa loob ng 27 taong pamamalagi ko dito sa mundo, ano nga bang mga na-accomplish ko?

- Hindi ako tapos ng pag-aaral.
- Ako ngayo'y namamasukan bilang isang Escalation Agent sa isang kilalang callcenter sa Makati.
- April 2005, ipinanganak ang isang anghel, ang anak ko.
- Nangungupahan pa rin kami hanggang ngayon.
- Hindi pa rin ako handang magpakasal.
- Ako ngayo'y nagpapagaling ng aking sakit na Hypokalemia at Distal Renal Tubular Acidosis.

Napakaraming magandang nangyari sakin sa loob ng 27 taon, pero napakarami ring kailangang ayusin at baguhin.

Sana ito na ang simula ng pagbabago.