Bente syete.
Twentyseven.
Dalawampu't pito.
Yup, 27 na ako. Ang bilis ng pangyayari. Parang kelan lang, nagmamadali pa ako maligo dahil ma-lalate na ako sa pagpasok sa highschool. Pero ngayon, magtatatlong taon na ako sa pinapasukan kong callcenter company.
Pero sa loob ng 27 taong pamamalagi ko dito sa mundo, ano nga bang mga na-accomplish ko?
- Hindi ako tapos ng pag-aaral.
- Ako ngayo'y namamasukan bilang isang Escalation Agent sa isang kilalang callcenter sa Makati.
- April 2005, ipinanganak ang isang anghel, ang anak ko.
- Nangungupahan pa rin kami hanggang ngayon.
- Hindi pa rin ako handang magpakasal.
- Ako ngayo'y nagpapagaling ng aking sakit na Hypokalemia at Distal Renal Tubular Acidosis.
Napakaraming magandang nangyari sakin sa loob ng 27 taon, pero napakarami ring kailangang ayusin at baguhin.
Sana ito na ang simula ng pagbabago.
Tuesday, January 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment